Posts

Showing posts from April, 2019

Plastik

Image
Parang gusto ko nang ipasara ang aking tindahan sa dami ng mga plastik na nakikita kong magiging basura nito. Naaalala ko nung kabataan ko, gumagamit kami ng shampoo na powder na nakalagay sa isang papel na sachet. Nirerepak ang asukal at nilalagay sa brown paper pouch, ang bihon naman ay binabalot sa dyaryo bago kiluhin. Wala pang plastic bag noon. Bale binabalot lang namin sa dyaryo ang pinamili pagkatapos ay tatalian ng manipis na panaling plastik. Sa ngayon may mga bagong kumpanya na nagsisimula na sa labanang ito ng pagtanggal ng plastik. Tingnan ang mga link sa baba https://www.fastcompany.com/90336197/the-shockingly-simple-way-to-make-packaging-more-sustainable?utm_source=pocket-newtab https://www.theguardian.com/environment/2019/apr/21/the-zero-waste-revolution-how-a-new-wave-of-shops-could-end-excess-packaging?utm_source=pocket-newtab Dito naman sa atin, may pahiwatig na ang mga mambabatas na i-ban ang single-use plastic. Samantala habang inaayos pa iyon may mga mung