Plastik
Parang gusto ko nang ipasara ang aking tindahan sa dami ng mga plastik na nakikita kong magiging basura nito.
Naaalala ko nung kabataan ko, gumagamit kami ng shampoo na powder na nakalagay sa isang papel na sachet. Nirerepak ang asukal at nilalagay sa brown paper pouch, ang bihon naman ay binabalot sa dyaryo bago kiluhin. Wala pang plastic bag noon. Bale binabalot lang namin sa dyaryo ang pinamili pagkatapos ay tatalian ng manipis na panaling plastik.
Sa ngayon may mga bagong kumpanya na nagsisimula na sa labanang ito ng pagtanggal ng plastik. Tingnan ang mga link sa baba
https://www.fastcompany.com/90336197/the-shockingly-simple-way-to-make-packaging-more-sustainable?utm_source=pocket-newtab
https://www.theguardian.com/environment/2019/apr/21/the-zero-waste-revolution-how-a-new-wave-of-shops-could-end-excess-packaging?utm_source=pocket-newtab
Dito naman sa atin, may pahiwatig na ang mga mambabatas na i-ban ang single-use plastic. Samantala habang inaayos pa iyon may mga mungkahi tayo sa ibaba upang maipatupad na ang mga praktikal na mungkahi.
Maaring gawing papel ang outside packaging ng maraming mga produkto.
Pwede nang papel ang outside packaging ng Esperma.
Saludo kami sa mga nanatiling nakabote katulad ng Lapu-lapu bagaman pwede pa rin nilang pag-isipang gawing papel ang selyo at tansan ang takip.
Samantalang ang Datu ay lumipat na sa plastic bottle, katulad ng mga softdrinks na sa analysis ay isa sa nangungunang polluter ang Pepsi at Coke Companies sa buong mundo. Kung gagawa man ng batas ukol dito wala sanang special exemption sa batas ng pagbabawal manapa ay big tax exemption ang i-award ng gobyerno upang gumana ang mga R&D department nila upang humanap ng biodegradable packaging. Samantalang may nagsasabi na ang mga recyclable plastic na ito ay walang patutunguhan dahil wala namang nagrerecycle, pwera sa Eat Bulaga siguro.
Ang Mt. Dew bottle naman po ay di binibili ng mga junkshop.
Nauunawaan po natin na ang mga powdered foods at condiments ay medyo sensitibo pero maaaring pag-aralan kung pwede sila sa special biodegradable packaging.
Kasi maaaring magreklamo ang mga liquid food na di sila kasali, kayat maaring gawin na rin nilang liquid and mga powdered condiments halimbawa para lamang makaiwas sa di pagpaplastik. Pero ang mga shampoo naman ay pwede nga na gawing powder or tablet form na nakabalot sa papel. Ang dapat na lang gawin siguro ay ipasa sa batas na ilagay na halimbawa sa small carton box packaging ang Surf powder at lahat ng iba pa upang mapilitan sila--multa o pagsunod, kung sa pag aaral ay tanging ang pagtitipid na lang ang interes at di na ang iba tulad ng longer shelf life. Iyan ay pwedeng tukuyin ng mga chemist at packaging experts. Syempre bibilhin pa rin ng mga Pinoy ang mura na nakaplastic kesa sa nakapapel, kung me matitira pa sa merkado. Pero kung wala dahil pinarurusahan na ng batas, mapipilitang bumili ng nakapapel ang mga consumer.
Wala pang isang century ang Plastic Age ay tambak na tayo ng basura nito. Sa totoo lang noon pa ako naghihintay sa mga scientist na gumawa ng trash bin kung saan pagtapon mo ng plastic ay ina-atomize ito at nagiging virgin plastic or pretrolyo na ulit, naihihiwalay ang plastic sa biodegradable. Pero wala, dahil ang masaklap na katotohanan ay dapat nating igalang ang disenyo ni Mother Nature, na ang plastic ay nadedecompose lang sa loob ng 1000 na taon. Na ang disenyo, pagkain natin ng saging, ay pwede nating itapon kahit saan sa bundok dahil ito ay nagiging pampataba. At dapat na nating tuldukan ang Plastic Age kung wala pa ring matalinong taong nakakaisip ng solusyon para idecompose ito. Kung meron namang nakaisip na, ay dapat na silang magsalita habang may buhay pa ang mundong ito.
Nagsimula na ako, di na ako bumibili, nagtitinda, at gumagamit ng plastic cotton buds. Pero marami sa taas ay di ko kontrolado at wala sa mga kamay ko ang desisyon at kakayahan. Gusto ko sana na wala akong makitang plastik na basura pag nagtinda ako ng Esperma, gumamit ng Lapu-lapu o Datu, kapag iminom ako ng Mt. Dew, kapag nagtimpla ako ng Tang, kapag nagsigang ako gamit ang Knorr, kapag nagbabad ako ng labada sa Surf. Binubuhol ko at kino-compact ang mga plastik bago itapon at kunin ng basurero patungong landfill. Ihinihiwalay ko na ang biodegradable at ibinabaon sa lupa ng aking Tiya dahil nasa gitna kami ng bayan at wala na ditong bakuran, medyo malayo pero tulong na exercise na rin.
Pero parang kulang na kulang walang wala pa ang mga ito sa dapat nating gawin, kaya nga po ang dasal natin ay...
Diyos Naming MayLikha, iligtas mo po kami!

Sana tularan ka nang maraming pilipino.na pagsipsip tuloy ako sa sinulat mo sakit.info
ReplyDelete