Posts

Showing posts from May, 2021

Caritas in veritate (Charity in truth)

http://www.vatican.va/content/benedict-xvi/en/encyclicals/documents/hf_ben-xvi_enc_20090629_caritas-in-veritate.html Dahil sa dokumentong ito muling napanibago ng Espiritu ang pananaw ko sa negosyo. Bakit ko halimbawa di dapat pagtaniman ng sama ng loob ang mga kostumer ko na kulang magbayad? Ang mga pulubi at hangal na araw-araw nanghihingi ng limos ay di ikauunlad ng negosyo. Pero ano ang katotohanan ng pagiging mapagbigay (truth in charity) di lamang ng disenyo ng pagkita ng isang negosyo? Ito'y ang katotohanan ng pag-ibig ng Dyos noong tayo'y makasalanan pa. Nagbigay ng sarili ang Dyos ng libre. Sya mismo ang ipinambayad sa krus para sa ating mga kasalanan o pagkakautang.   Hindi nga umiiral ang aking negosyo para lamang kumita. Pero ang pagbibigay ay nakabase pa rin sa katotohanan upang ito'y tunay na maging mapagbigay (charity in truth). Hindi ako nagpapautang dahil nauubos ang aking kapital at di na bumabalik pa. Ito ay nakabase pa rin naman sa katotohanan. Paminsan