Sari-sari Store Accounting
Di ako papasa sa audit kahit na me high school subject ako na basic at advanced accounting. So itama natin ang mali. Sabi ni AI kailangang nakalista pa rin ang sales. Dahil wala tayong POS kailangang ilista ang lahat ng benta. Matrabaho pero iyan ang proper accounting. Dapat din daw ay nakalista ang lahat ng kinukuha nating produkto sa tindahan para sa sariling konsumo. Pwede itong ilista bilang expenses, sa puhunan ang compute. O ayan kumpleto na ang accounting. Pwede nang pumasa sa audit. Pero ang nasa baba ay walang lista ng sales at personal consumption. Bahala na kayong magdagdag. Ang gusto ko lang ay maitama ang nauna ko nang post tungkol sa Store Accounting na medyo kulang. Ang nasa baba ay otomatikong magpapakita ng net income. Magkarugtong ang dalawang table na ito at ang nasa baba. Maaacess nyo sa link sa ibaba. Pero pansinin nyo na inihiwalay ko ang added capital na hindi part ng net income. Kaya kahit nagdagdag ka pa ng additional capital ay negative pa rin ang net income