Sari-sari Store Accounting

 Di ako papasa sa audit kahit na me high school subject ako na basic at advanced accounting.

So itama natin ang mali. Sabi ni AI kailangang nakalista pa rin ang sales. Dahil wala tayong POS kailangang ilista ang lahat ng benta. Matrabaho pero iyan ang proper accounting. Dapat din daw ay nakalista ang lahat ng kinukuha nating produkto sa tindahan para sa sariling konsumo. Pwede itong ilista bilang expenses, sa puhunan ang compute. O ayan kumpleto na ang accounting. Pwede nang pumasa sa audit.

Pero ang nasa baba ay walang lista ng sales at personal consumption. Bahala na kayong magdagdag. Ang gusto ko lang ay maitama ang nauna ko nang post tungkol sa Store Accounting na medyo kulang. Ang nasa baba ay otomatikong magpapakita ng net income. 




Magkarugtong ang dalawang table na ito at ang nasa baba. Maaacess nyo sa link sa ibaba. Pero pansinin nyo na inihiwalay ko ang added capital na hindi part ng net income. Kaya kahit nagdagdag ka pa ng additional capital ay negative pa rin ang net income. Dahil sang-ayon kay AI, di parte ng net income ang capital at di mo masusukat ang totoong tubo ng iyong tindahan kung ganuon ang sistema. (Paumanhin sa nauna kong post na nadelete ko na dahil mali-mali.)


So, ang Sari-sari Store accounting na nasa baba ang link ay otomatik na magbibigay sa yo ng adjusted money, gross income, expenses, total cash, at net income kapag nag-data entry ka sa sheet. Pwede mo rin itong gamiting reference sa iyong ending inventory kung tama ba ang natirang produkto at cash sa iyo (kasama ng gagawin mong listahan ng sales at personal consumption).

Pero ang punto ko ay ang itama ang nauna ko nang store accounting na di nagpapakita na negative pa rin ang tindahan dahil sa binayarang business permit. Of course wala na nga tayong suweldo mula sa tindahan e di pa ba tayo kukuha ng pangkain sa kita nito. E di lukuhan lang ang tindahan bagay ganun. So, ang suweldo ko ay ang libreng kain ko at ng pamilya ko, tubig, ilaw, na binabayaran ng tindahan. Dahil nga sa inflation negative noong 2023 ang tindahan. Nagmahal ng todo ang bahog sa tao.😢 Kung iyan ay part ng operating expenses ng negosyo ay di ako papasa sa audit.😅 Kumbaga, ganun din ang sigaw ng mga operator ng sari-sari store, "Itaas ang sahod, ibaba ang presyo ng bilihin." Gets nyo ba?

So, magdagdag man kayo ng magdagdag ng kapital sa tindahan nyo kung di naman ito tumutubo ng sapat kontra gastos, e marami lang kayong pera pero di naman tumutubo ng maayos upang mabayaran ang operating expenses. E di ilagay na lang ang pera sa bangko ng di mag negative!😅 Pero wait kahit nasa time deposit pa na 3% ang pera mo e 2.8% ang inflation nitong January 2024 so me .2% ka lang na kita o PhP200 lang sa isang taon para sa PhP100,000 kasi mayaman ka. Idibaydedbay mo nga sa isang taon kahit PhP3,000 na at wala ngang inflation e.😁 Meron kang PhP8.29 sa isang araw na pwedeng gastusin next year. Sige dun na tayo sa sinasabi mong Land Bank Tbills which is more or less PhP9,000 per year less deduction, amounting to PhP24.65 per day. Kung pinagpala ka pwede na yan wala kang ilaw at tubig at meron kang bahay sa poblacion kasi mayaman mga magulang mo e. E kung mamamasahe ka pa para bumili lang sa bayan e kulang pa iyang pamasahe. So gagamit ka ng bike! Wag ka lang madidisgrasya kasi wala kang panghulog sa PhilHealth kasi nga kulang pang pangkain mo ang PhP24.65. Besides kakain ka pa rin at wala ka namang puno ng mangga o saging sa bakuran mo kasi nasa poblacion ka nga, letse.😂 So magtrabaho o magnegosyo kahit na negative! Wag nyo lang sabihin kwenta ng kwenta wala rin namang kwenta. Dahil kung di ka magkukwenta e baka nagpapainom ka na sa mga kaibigan mo kasi tumutubo ang tindahan mo e hindi naman pala.

As you can see, in my sample accounting for 21 days, my Sari-sari Store can answer my personal expenses averaging PhP375 per day. If I can run my store and still have a side hustle, I might be at least justified why I am still continuing a languishing business for hope that after the economic downturn because of the pandemic, it will come back to its normal operation again. If you have a valid reason, though its not the best option, just one of the good option, choosing a lesser good than what you can, is morally permissible. Magkakaiba daw po tayo ng sitwasyon. At sa palagay ko bibigyan ko pa ng isang taon ang tindahan bago i-assess ulit kung itutuloy ko pa ba o maghahanap na ng bagong pagkakakitaan. Ang problema kahit saan ako tumingin e lahat rumereklamo sa taas ng gastusin at di naman tumataas na suweldo o kita. 

Pagpalain nawa tayong lahat ng Diyos sa ating patuloy na pagsusumikap na gawan ng paraan ang kakulangan sa araw-araw. Tulungan mo po Panginoon ang mga nawawalan na ng pag-asa, upang sa paggising nila sa panibagong araw ay makakita sila ng panibagong lakas at kakayahang galing sa Iyo. Amen.

As of 16 March 2024 this is already included in Sari-sari Store Inventory Please download that full file instead.

correction 25 Feb. 2024 Ay may mali pa rin. Pero itinama ko na. Makikidownload na lang po ulit. Ang other expenses column ay ginawa ko nang loan receivables, at itinama ko na na hindi nagiging expenses ang loan sa autosummary. Sana wala nang mali. Kaya mababawasan na ang inyong expenses. Hehe.😡 Pambihira namang accounting. Pasensiya na po. Siguro naman po ay wala ng iba pang accounts na di tayo naisasa alang-alang sa pang araw-araw na operation ng tindahan. Pasensiya na po ulit.

Bakit naman di ko kayo pinupwersang maglista ng lahat ng sales isa-isa, araw-araw? maglista ng kinukuha nyong produkto sa inyong tindahan? Depende naman sa inyo iyan kung magagawa pa ninyo, e di mas mabuti. Pero kung hilong talilong na kayo kada sara ng tindahan, e ayaw kong dagdagan pa ang krus ng inyong buhay. Basta siguraduhin nyong wala kayong nananakaw na pera at produkto, di kayo nagkakamali sa pagsusukli, e sapat na iyan sa ngayon kung wala kayong pambili ng POS system. Nga laang ay wag nyong isubmit for auditing at di nga iyan papasa kung wala ang sales at personal product use recording.

Comments

Popular posts from this blog

Sari-sari Store Inventory Excel

Plastik

Sirang Pera