Sirang Pera
Kawawa naman yung mga mahihirap na Pilipino. Kasi sila ang kalimitang gumagamit ng beinte pesos, at mas malimit nasusuklian ng mga sirang beinte pesos.
Anu po ba ang sira? Yung may butas, punit, sulat, tape, at yung sobrang lambot na. Pinapalitan daw naman po ng banko yung mga luma na, pero yung mga sira sa Bangko Sentral daw po sa Cash Department at ieestimate kung magkano na lang ang halaga nuon.
Tanong: Yun po bang mga taga Mindanao na mahihirap ay pupunta pa ng Maynila para magpapalit ng beinte pesos na sira? Exagerated po yan pero yan po ang sitwasyon.
Kalimitan, yung nagsulat dun sa peso bill, nagdrowing ng bigote, hinila ang makinang na bagay sa gitna, ay hindi siyang nagdurusa, kundi iyong makakatanggap ng sukli na iyon na hindi namamalayan.
Dati itaya mo lang sa jueteng solve na ang problema. Ngayon pati jueteng ayaw nang tumanggap ng sirang peso bill.
Kailangan po ng disiplina malinaw po iyon. Di matututo si Juan Dela Cruz kung di maghihigpit. Totoo nga umunti ang mga tinatanggap naming alanganin na at ang mga sira ay di na namin tinatanggap sa tindahan dahil wala din namang tatanggap sa amin nito maging sa bangko o mga ahente.
Nais ko lang pong gumawa ng paraan upang ang mga mahihirap na ito ay mabigyan ng lunas sa kani-kanilang munisipyo na mismo. Maaring halimbawa ay magdeklara ng isang araw sa isang taon upang palitan ng gobyerno ang mga nasabing sirang pera.
Nananawagan po tayo sa Kongreso upang bigyan ng konting pagtingin ang bagay na ito. Halimbawa, gawin na ngayong barya ang beinte pesos na pinakamalimit na sira. Yun din pong panawagan ko dito na gawin nang maliit ang piso pero marami upang di na ipagbili sa labas ng bansa at di maubusan palagi ng piso ang Pilipino na malimit nangangailangan ng apat na pisong sukli, sana po ay makatawag ng konting pansin.
Comments
Post a Comment