Bakit Tinaasan ng Tax ang Sugary Products



Ewan ko kung meron pang mas magandang paliwanag kesa sa video na ito. Kaya nga pati raw World Health Organization ay ipinag-uutos sa lahat na patawan na ng mataas na tax ang mga maasukal na mga inumin. Akala daw ni Dr. Perlmutter ay fats ang dahilan ng pagkakasakit natin. Iyon daw po pala ay carbohydrate.

Sa aking palagay mas malala kung added sugar sa mga inumin ang panggagalingan ng carbohydrate kesa sa kung manggagaling ito sa kanin at tinapay na wala namang dagdag na asukal. Pero iyan ay palagay lang dahil dito http://www.straitstimes.com/singapore/health/diabetes-the-rice-you-eat-is-worse-than-sugary-drinks


Naglabas na ng mas maliit na bersyon ang coke zero na 200ml pinakamaliit sa lahat. (Pero meron siyang aspartame na ang tawag ang exitotoxin at masama rin sa kalusugan na maari ring pag-aralang patawan ng tax o iban ng gobyerno kasabay ng pagkokontrol nito sa pagkonsumo ng asukal ng mga Pilipino).

Ang mga ito ay isang pagpapaala-ala na seryoso ang impormasyong ito na nakalap ng mga scientist para sa tamang kalusugan ng mga tao. Sa Pilipinas mainam na maparami ang mga prutas at gulay na pagkukunan ng alternatibong carbohydrate di lang sa white rice at kung keton diet naman ang pipiliin ay mas mainam na suportahan ng gobyerno ang pagpapadami ng mga halamang pagkukunan ng fats di lamang sa mga hayop na pinakakain ng damo at iniiwasang bigyan ng GMO at antibiotic, kundi isecure ang ating pinagkukunan ng masustansyang omega 3 (mga hayop na laya) walang iba kundi ang ating karagatan na patuloy na sinisira ng mga reclamation ng mga Intsik. Kung plant based diet naman ang pipiliin, dyan tayo talo ng mga kapwa natin Asyano na mas maraming prutas at gulay sa kanilang hapag na dapat pag-aralan kung bakit di magaya ng mga Pinoy. May mga disease daw po na mas mainam ang plant based keton diet or low carb diet. Kumunsulta sa iyong doktor o nutritionist na mas nakaaalam sa mga bagay na ito kung pwede nga sa iyo ito o hindi at kung paano ang tamang proseso. Pero di naman lahat sa Pilipinas ay may disease na nangangailangan ng low carb diet. Manapa ay kailangan ng plant based carb diet ng mga physical workers at athletes. At sa mainit na lugar na tulad ng Pilipinas, mas bagay ang kanin sapagkat nakaka-retain ito ng tubig sa katawan. Kaya nga added sugar lamang sa ngayon ang malinaw na pwedeng sisihin kaya tinaasan ng tax. Gets mo. At kung gusto ng gobyerno na maging whole plant based ang pagkain ng mga Pinoy at makaiwas sa sugary drinks, mainam na isabatas na dapat may taniman ng mga matutubig na mga prutas sa mga kabayanan. Joke lang. Aba'y kahit ang itinitindang buko juice dito sa palengke namin ay dinaragdagan pa rin ng asukal! Nasaan o nakanino ba talaga ang mali?

Ano ang ibig sabihin nito para sa ating may ari ng mga tindahan at restaurant?

Isa na nga ang pagpapaliit ng per servings ng mga maasukal na mga inumin  at pagkain. Ang pagmamanufacture naman ng mga alternatibong inumin na walang added sugar ay malaking hamon sa mga product developer, halimbawa ay green tea na walang asukal, tsokolateng walang asukal, mineral water na may flavor pero walang asukal, atbp. Dapat himukin ng gobyerno na gumamit ng mga alternatibong pinanggagalingan ng sweetener na di nakasasama at huwag patawan ng buwis ang mga ito. O di kaya naman ay dapat wag buwisan ang mga packaged natural fruit extract  na matamis pero walang added sugar hanggat nakapackage sila sa maliliit na lalagyan lamang at may kasama pang natural fiber o meat nito. Ang mga ito ay pawang suggestions lamang sa isang di nutritionist at scientist na tulad ko.

Sa kasamaang palad bumagsak na ang sales ko na karamihang nanggagaling sa mga sweetened beverages. Maganda para sa kalusugan ng lahat pero masama para sa benta ko na wala namang alternatibong iminumungkahi ang gobyerno at mga scientist natin at hinahayaan na lamang ang free market na tumugon sa mga hamong ito. Iniingganya ko naman ang mga kapwa ko sari-sari store owner na maghanda na para sa mga darating na pagbabago. Halimbawa ay mainam na samahan na ng mga fruit and vegetable section ang inyong tindahan at timplahan ng kape na sarili mong halo sapagkat pataas na ang mga 3n1 dahil may asukal din ito. Sa kasawiang palad maaaring ipasara ko na lamang ang aking tindahan at paupahan ito at harapin ko ang iniwan kong propesyon ng pagtuturo o magbukas ng computer shop.

Sa aking haka-haka palalakihin nila ang suweldo ng mga guro at ipapataw ng municipyo sa mga establishment ang bigat ng pagpapatakbong pinansiyal sa mga regional federalism. Ipagdasal mo nga ang lahat sa Dyos kung papaano ka nga mas mainam na makapaglilingkod sa iba. At ito ay nangangailangan ng panahon, paghahanda, panibagong pag-aaral, at adjustment, kaya't simulan na natin ngayon ang pagninilay kung ano nga ang mainam nating gawin. Isang paala-ala lang ni Sto. Tomas sa kanyang Summa sa ating lahat tungkol sa pagbabago ng porma ng ating gobyerno na ang customary o kinagawian na, ay mainam para sa lahat kesa sa baguhin ito. Sinabi pa nga niya na ang kinagawian ay paulit-ulit na ginagawa ng mga tao marahil dahil merong dahilan ito at kalaunan pa nga ay ginagawang batas sapagkat di malayong nakatutulong ito at nakabubuti kaya paulit-ulit na ginagawa. Baka naman ibasura na nilang lahat ang lumang kinagawian kasama na pati ang mga mabubuting elemento nito. Syempre ang mga masamang ginagawa ay di nagiging batas bagkus ito ay pinarurusahan ng batas.

On the contrary, It is stated in the Decretals (Dist. xii, 5): "It is absurd, and a detestable shame, that we should suffer those traditions to be changed which we have received from the fathers of old."
I answer that, As stated above (Article 1), human law is rightly changed, in so far as such change is conducive to the common weal. But, to a certain extent, the mere change of law is of itself prejudicial to the common good: because custom avails much for the observance of laws, seeing that what is done contrary to general custom, even in slight matters, is looked upon as grave. Consequently, when a law is changed, the binding power of the law is diminished, in so far as custom is abolished. Wherefore human law should never be changed, unless, in some way or other, the common weal be compensated according to the extent of the harm done in this respect. Such compensation may arise either from some very great and every evident benefit conferred by the new enactment; or from the extreme urgency of the case, due to the fact that either the existing law is clearly unjust, or its observance extremely harmful. Wherefore the jurist says [Pandect. Justin. lib. i, ff., tit. 4, De Constit. Princip.] that "in establishing new laws, there should be evidence of the benefit to be derived, before departing from a law which has long been considered just." Summa Theologica 1st Part of the 2nd Part, Ques. 97, Art. 2
Kayahin na lamang natin bilang isang bansa kung meron ngang better advantage ang mga pagbabagong nagaganap at magaganap pa. Kung wala kalunos-lunos ang ating sasapitin.

O Kamahal-mahalang Puso Ni Hesus na may habag sa aming mga makasalanan, iligtas mo po kami!

Divine Mercy can provide, Divine Mercy did provide, Divine Mercy will provide!
St. Joseph, Patron of Workers, pray for us!



May mga mungkahi ka ba o hinaing? Mainam na ishare mo rin po sa aming lahat.

Comments

Popular posts from this blog

Sari-sari Store Inventory Excel

Plastik

Sirang Pera