Post-pandemic Inuendos
Bumibilis na naman ang bentahan mga Kababayan. And fast selling is becoming the terms again, not the all day waiting for a customer to come. Pero baka nalimutan na natin ang teknik. Parating tumingin sa mata ng customer upang mabasa mo kung ano ang estado ng kanyang damdamin sa oras na iyon. Mas mabilis mo syang mabibigyan ng pangangailangan nya, pwede nga mahulaan mo pa kung ano ang kailangan talaga nya kahit di niya masabi exactly. Eto rin ang taktika upang magi tayong gentle sa damdamin ng ating customer at wag tayong makasakit ng kanilang damdamin.
Maaaring mas abala na tayo sa dumaraming mga bagay na nakadaragdag stress. Kaya para iwas galit sa customer gawin ang teknik.
Di naman kailangang matagalan ang tingin natin sa kanilang mga mata. Titig na iyon at di tingin. It might offend their personal space. Pwede na yung makita natin ang kanilang mga mata at maunawaan sila, tapos kahit di na tayo tumingin ulit. Baka kasi sa pagigi nating busy di man lang natin sila tinitingnan habang pinapakinggan ang kanilang sinasabi at basta na lamang bubusarga ang ating salita na wala sa lugar.
Mainam din itong personal touch teknik kumbaga.
At kahit sobra kang stress, nakakawala din ng stress sa part mo, kapag naunawaan mo kung saan siya nanggagaling at makarelate sa kanya kahit konti. Kumbaga e nagkakaroon ka ng shift of focus from your problem to taking care of your customer. Sa sari-sari store ko syempre mabilisan lang yan. Pero iba talaga ang pakiramdam kapag pinaglilingkuran mo sila ng may pang-unawa.
Again, enjoy serving your customers!
Pero di komo medyo marami nang bumibili e, kumikita na ang mga tindahan. Sa panahong ito na puro negative ang business operations, ganun din po sa tindahan ko, na kelangan ko pang maglulos na muli ng panibagong kapital maya't-maya, siguro dahil sa inflation, siguro dahil sa giyera, dahil sa mahal ang kuryente, gasolina, mataas ang bilihin, at tumataas tuloy-tuloy ang puhunan mo sa bawat bagong angkat ng ititinda. Ok sana kahit ganun kung malakas na talaga ang bentahan. Kaya kahit sinasabi nating dumadami na ang bumibili e kumbaga e mababa pa rin ang sales at di makasapat sa pang-araw-araw ni Juan. Pero isalba nawa tayo ng Panginoon sa recession na sinasabi nilang darating sa susunod na taon. Manalangin tayo at mag-ayuno na nawa tumigil na ang giyera.
Hinigpitan na po lahat ng sinturon, humanap na po ng mga dagdag na pagkakakitaan, pero tinimbang ako at kulang pa rin.😆😢 Pinag-aaralan ko rin pong magkabit ng sarili ng solar na mura binebenta sa online shop, pero parang malapit nang dumugo ang ilong ko.😂 Nawa sa sitwasyon nating ito ng pag-aala-ala sa kinabukasan ay wag nating makalimutang maglingkod pa rin ng may pang-unawa sa ating mga customer. Ipagdasal din po natin ang mas naghihirap nating mga kababayan.
Aba, Ginoong Maria...
Comments
Post a Comment