Epekto Ng Inflation Kahit Marami Na Ang Bumibili
Mataas na inflation at mabilis na inflation!
Bumili ako ng paninda PhP20. Binenta ko sa PhP22. Pag dating ng ahente, PhP23 na sya.
Sa madaling sabi wala akong tinubo o lugi. Pero higit pa pala sa roon. Kailangan kong magdagdag ng piso sa puhunan ko upang makapagbenta ulit.
Pwedeng damihan ko ang bili ng ititinda ko o mag-iistak ako ng paninda. Disadvantage: Pag biglang me lumabas na mas murang produkto di mabibili mga inistak ko. Or biglang bumaba ang presyo dahil nag-rollback ang gasolina, iiwan ako ng mga customer ko at lilipat sa ibang tindahan na mas mura. Pag hindi nabili at inabutan ako ng expiration mas lalung malaki ang lugi.๐ญ
Pwedeng taasan ko ang presyo ko o mark-up price. Instead na ibenta ko sa PhP22, ibebenta ko sa PhP23 na. Disadvantage: Iiwan ako ng mga customer kong nagtitipid kasi mas mura sa ibang tindahan. Di rin ako makakabenta at wala akong panggastos sa expenses ng negosyo. Lugi rin dahil mataas din ang bili ko sa pang-araw-araw na pagkain na syang tanging suweldo o ganansya ko sa pagtitinda.๐ข
Pwede akong magtipid at humanap pa ng mapapagkitaan. Iniisip ko nang magsarili na lang sa pagkakabit ng sariling solar system panel. Pero pag pumutok e lugi rin ako sa halagang PhP30,000 to PhP50,000 na on grid with limiter at walang baterya. Wala naman akong PhP120,000 pambayad sa mga installer para makalibre na sa mataas na konsumo ng refrigerator pampalamig ng mga softdrinks.๐ Me sideline din ako pero napupunta lang ito sa pangdagdag ko sa puhunan ng tindahang di kumikita dahil sa bilis at taas ng inflation.๐ Parang wala na ata akong iba pang option ah!
Me huli ka pang alas! Magdasal.๐ Magdasal na tumigil na ang giyera sa Ukraine na nakakapagpataas ng harina at gasolina. Magdasal na ipatupad na o magkaroon na ng solusyon ang global warming at pollution na nakakapagpataas ng presyo ng pagkain.
Aba Ginoong Maria...
Comments
Post a Comment