Bakit Walang Nangyayari sa Tindahan?
Eto na siguro ang pinakamadaling sagot.
Noong 2013 ay sapat ang average na 3,000 na benta upang makakain kami at mabayaran ang mga dapat bayaran at may tubo pa ang tindahan. Magkano ngayong 2024 ang 3,000?
Hahayaan kong kayo ang magresearch at tanungin ang AI kung magkano nga iyan. Pwede ring alamin ninyo ang mathematics niyan. Pero kung medyo ayaw ninyong alamin e ito ang prompt na itatanong nyo sa AI:
Eto ang sagot ni Copilot: 4,350
So kung bumebenta ka ng 3,300 araw-araw e mataas na sa iyo iyan dati at sapat na, pero ngayon ay hindi na po. Baguhin po natin ang ating kaisipan na kapag me sales tayo na kahit 3,300 pa araw-araw e hindi pa rin sapat ngayong 2024. Dahil ang katumbas niyan ngayong 2024 ay 4,350 dapat na sales.
Isa lang ang ibig sabihin ng 3,300 na sales mo ngayon. Mahina pa rin ang bentahan.
Maghigpit pa rin ng sinturon. Hindi pa rin tayo nakakabawi sa epekto ng covid-19 tapos me mga giyera pang nangyayari. Mas malala rin ang inaakala nilang epekto ng global warming at akala nila ay ilang taon pa bago maranasan. Kaya mataas ang mga pagkain nating binibili tapos mahina naman ang bentahan pa.
Comments
Post a Comment