Sa Mga Bago Sa Negosyong Sari-sari Store

Mag-ingat.

Kung kayo ay puyat, mas mainam na huwag na munang buksan ang tindahan. Mas mainam na mawalan ng benta sa buong maghapon kesa sa mapeke ka ng isang libo, masalisihan, o mabudol-budol pa.

Dahil ako ay lumaki na sa tindahan, halos 45 years ko nang nakita kung anu ang ginawang pagbabago ng mga magulang ko sa tindahan upang di manakawan. Una, mahalaga ang harang sa customer man o sa mga taong pumupunta sa tindahan. Di ka na magsasabing, oops hanggang diyan lang po kayo. Parating ugaliing nakasara ang kahit na anong daan sa bahay man iyan o sa tindahan, dahil ang pagtitinda ay nangangailangan ng buong atensiyon, at kaya nga ang tawag sa gang na ito ay salisi gang dahil walang 20 seconds ay kaya nilang gawin ang matagal nang pinagplanuhan. Ayaw nyong maniwala, e di danasin nyo na lang. Marami kasing mga taong matitigas ang ulo. Sinabi ko nang wag iwanan ang mga gamit nila sa tindahan, e iniiwan pa. Ayaw maniwala, pero iiyak-iyak pag nawalan.

Pwera masamang intensiyon, pero kailangan ko sigurong sabihin sa inyo ang kwento ng buhay ko.

"Ang tanga-tanga mo." "Wag ka kasing tatanga-tanga." "Mag-ingat ka sa taong iyan." Sa isip ko lang anu ba ito si Nanay ay puro duda sa kapwa tao. Yan ang nasa isip ko nung bata pa ako. Pero nung nagkaisip na ako at tumanda, saka ko natutunan na may mga tao pala talagang gagawan ka ng masama. Magi nga tayong matalino katulad ng mga ahas pero mahinahon kagaya ng mga kalapati. (Mat. 10:16) Kapag nagawan ka na ng kapwa mo ng masama ng ilang beses, mag-iingat ka na sa susunod.

Kailangan bang makaranas muna tayo bago matandaan ang ipinapangaral ng mga matatanda na sa larangan? Kailangan bang maging mandurukot ka pa bago mo malaman kung paano sila nag-ooperate upang maiwasan mo? Hindi na kailangan.

Paminsan ang mga taong katiwa-tiwala ang gagawa pa sa atin ng masama. Ang tawag diyan ay breach of trust. 

Kailangan ba parating naka heightened alert, nakakapagod yun ah. Kaya nga dapat ay mahinahon din katulad ng mga kalapati. At ang mga harang ang solusyon habang tayo ay nakarelax. Kapag may kumaluskos, yun na ang panahon para magduda. Kapag mukhang kahina-hinala magdasal ka na. Di lahat ay dapat pagdudahan, di lahat ng minuto ay naka alerto ka. Pero kung ang taong pinagtiwalaan mo ang gumawa, ay ibang usapan na iyon kumpara sa nakalantad ang perahan mo sa kalsada tapos magrereklamo kang may kumuha ng perahan mo. Sinong ta--- ka? Pasensiya na, pero wala pa tayo sa langit at di pa mga anghel ang lahat ng mga nakapaligid sa iyo.


Comments

Popular posts from this blog

Sari-sari Store Inventory Excel

Avoid Tricksters?

Plastik