Posts

Showing posts from 2026

Mabagal Na Mga Customers

 Parang mabagal ang utak ng mga customers ngayon. Kaya dapat bagalan ko rin dahil pag binilisan ko ay parang minamadali ko sila. Aftereffect ba yan ng Covid-19 or ng vaccine? Malay ko! Pero kumbaga ay di natin pwedeng sabihin na para sa sari-sari store ang fast selling, sa kahit anong sitwasyon.  Kailangang makipagkuwentuhan ka siguro lalu na dun sa mga parang sa palagay mo ay pwedeng kuwentuhin dahil wala namang ibang namimili at nagmamadali. Baka nga naman wala talagang namimili ngayon kasi walang pera ang tao. Ewan ko. Pero dahil kapag minamadali mo sila o medyo istrikto ka sa kanila, na dapat di sila pabago-bago ang isip, dapat alam na nila kung anu ang bibilhin nila, etc. nararamdaman nila na gusto mo na silang paalisin kaagad, tapusin ng mabilis ang inyong transaction. Opo ang mga customers natin ay kalimitang may pinagdadaanan parati sa buhay pwera sa masama ang pakiramdam o di kaya ay nadaya sa tagayan. Wala namang problema kung ayaw mong makipagkuwentuhan sa kanila, l...

Sa Mga Bago Sa Negosyong Sari-sari Store

Mag-ingat. Kung kayo ay puyat, mas mainam na huwag na munang buksan ang tindahan. Mas mainam na mawalan ng benta sa buong maghapon kesa sa mapeke ka ng isang libo, masalisihan, o mabudol-budol pa. Dahil ako ay lumaki na sa tindahan, halos 45 years ko nang nakita kung anu ang ginawang pagbabago ng mga magulang ko sa tindahan upang di manakawan. Una, mahalaga ang harang sa customer man o sa mga taong pumupunta sa tindahan. Di ka na magsasabing, oops hanggang diyan lang po kayo. Parating ugaliing nakasara ang kahit na anong daan sa bahay man iyan o sa tindahan, dahil ang pagtitinda ay nangangailangan ng buong atensiyon, at kaya nga ang tawag sa gang na ito ay salisi gang dahil walang 20 seconds ay kaya nilang gawin ang matagal nang pinagplanuhan. Ayaw nyong maniwala, e di danasin nyo na lang. Marami kasing mga taong matitigas ang ulo. Sinabi ko nang wag iwanan ang mga gamit nila sa tindahan, e iniiwan pa. Ayaw maniwala, pero iiyak-iyak pag nawalan. Pwera masamang intensiyon, pero kailanga...