Mabagal Na Mga Customers

 Parang mabagal ang utak ng mga customers ngayon. Kaya dapat bagalan ko rin dahil pag binilisan ko ay parang minamadali ko sila. Aftereffect ba yan ng Covid-19 or ng vaccine? Malay ko!

Pero kumbaga ay di natin pwedeng sabihin na para sa sari-sari store ang fast selling, sa kahit anong sitwasyon. 

Kailangang makipagkuwentuhan ka siguro lalu na dun sa mga parang sa palagay mo ay pwedeng kuwentuhin dahil wala namang ibang namimili at nagmamadali.

Baka nga naman wala talagang namimili ngayon kasi walang pera ang tao. Ewan ko. Pero dahil kapag minamadali mo sila o medyo istrikto ka sa kanila, na dapat di sila pabago-bago ang isip, dapat alam na nila kung anu ang bibilhin nila, etc. nararamdaman nila na gusto mo na silang paalisin kaagad, tapusin ng mabilis ang inyong transaction. Opo ang mga customers natin ay kalimitang may pinagdadaanan parati sa buhay pwera sa masama ang pakiramdam o di kaya ay nadaya sa tagayan.

Wala namang problema kung ayaw mong makipagkuwentuhan sa kanila, lalu na at ayaw din nilang magkuwento. Pero kung talagang mabagal lang sila, e bagalan mo rin ang phasing mo.

Sinasabi ko sa iyo mas lalung bibilis ang inyong transaksiyon. Instead na madali mong kukunin ang ten pesos na tubig nung sinabi nilang, "Pabili nga pong tubig." tanungin mo sila kung anong klase, malamig ba o hindi, at kung malaki o maliit lalu at di na nagsasalita kung anu ang gusto o kailangan nya.  


Comments

Popular posts from this blog

Sari-sari Store Inventory Excel

Avoid Tricksters?

Rapidtasking