Lipreading, Sagot Sa Maingay na Lugar ng Tindahan
Opo, kalimitan ng mga tindahan ay malapit sa kalsadang maraming mga sasakyan. At di ko na maintindihan kung ano ang gagawin ko. Pero simpleng pagbasa sa buka ng bibig ang solusyon. Ito po ay ginagamit ng mga walang pandinig at ng mga mahina ang pandinig.
Pero sa kaso po natin na nakaririnig subalit di lamang magkarinigan dahil sa mas malakas ang tunog ng traysikel, e mainam din ito. Mas mainam din ito sa atin na nakaririnig pa ng konti dahil mas mauunawaan natin ang buka ng bibig ng ating mga suki na mahinang magsalita. Kailangan lamang ay sa bibig tayo titingin, di lamang sa naririnig natin, upang matulungan tayo na mabasa sa buka ng bibig nila ang kanilang sinasabi.
Joke time.
Pabili ho Mang Kadyo ng bitsin.
Wag mo akong sigawan hindi ako bingi.
Sori po.
Ano ba ang pipsi mo, malamig o hindi?
Ay naku!(pabulong) Zisto na lamang po.(pasigaw)
Sinabi ng wag sisigaw ay!
Sori po.
C2 na ba bibilhin mo, malamig ba o hindi?
Opo napagkakamalan na ako na bingi pero di naman. Ito ay dahil mahina silang magsalita o mas malakas lang talaga ang ugong ng sasakyan kesa sa boses nila. Pero wala pong time ipaliwanag ang lahat. Kaya ang solusyon ay lipreading.
Napakadalang ng kostumer ko na malakas ang boses. Ang iba ay bumubulong pa (30 dB). Naman! Akala yata nila ay nasa nayon kami na tahimik. Ngayon sabihin nyo kung bingi nga ako.πΏπ
Department of Environment and Natural Resources (DENR) Administrative Order 2000-54: This order establishes noise emission limits for various sources, including motor vehicles. It outlines the allowable decibel levels based on vehicle type and area.
Side Note: Di nyo ba maintindihan ang mga anak at pamangkin nyong maliliit kasi inglis ng inglis gawa sa Youtube?π Di dahil sa di ka marunong mag inglis kundi improper pa ang pagsasalita nila bukod sa mahina pa ang pagkakabigkas. Subukan ang lipreading at tiyak maiintindihan nyo ang English o Tagalog na sinasabi nila kahit improper pa ang pagkakabigkas nila.
Update Notes 4 December 2025
Pero binigyan ako ng Diyos ng bulok na ngipin. Pinabunot. Nabenat. Sabi ng dentista ko ay pwede ring makabenat ang malakas na pagsasalita. Well, tama si doktora kasi me ginagawang kalsada na jinajack hammer sa tapat ko at kailangang isigaw pa ang salita bago kami magkaintindihan ng mga customers ko. So, kailangan kong hinaan ang boses ko kumpara sa nakasanayan ko na. Doon ko nakitang maraming nabibingi sa mga customers ko. Di sa natutuwa ako at naiintindihan na nila ang sitwasyon ko, pero meron din pala akong LPR reflux, kaya di na rin pwedeng mapagod ang larynx ng mga katulad kong dating singer. In short bawal na ang projected voice para sa convenience ng mga customers ko.
Bukod sa roon ang psychology ng pagpapalakas ng boses ay nagdudulot ng projection ng galit kahit di ka naman galit. Mas makakatulong nga pala ang normal lang na boses upang makita naman ng customer mo ang tunay mong personalidad na relax lang naman talaga. Kasi bass ang category ng choir voice ko at ang sabi ay mas naiintindihan ng mga customers sa maingay na lugar ang isang matin-is na boses.
Eto ang epekto: nilalaksan na rin ng mga customers ko ang boses nila haha. Ay sori. Para bang sila na ang nagsasabi, laksan mo naman ang boses mo, pagkahina-hina naman.
Sa totoo lang kahit maingay dito sa lugar ko ay maririnig mo pa rin naman kahit bulong. Nga laang ay huwag sasabay sa tunog ng traysikel.
Comments
Post a Comment