New Metric
Dahil kay AI gusto kong mastandardized ang metric para masukat kada taon ang performance ng tindahan.
At sa Info Sheet ng Sari-sari Store Inventory v.3.1 ay idinagdag natin ang mga sumusunod:
Upang kada taon ay masukat natin ng mas maayos ang performance ng ating Sari-sari Store. Paano ang customer satisfaction? Marami kasing ibig sabihin iyan. Simpleng imbestigasyon lang ba. Pero ang mga customer ko na namimili rin sa akin ay nagrereport na ayaw nila duon sa isang tindahan dahil nagagalit daw kapag di isinasauli ang takip ng garapon.😆 Kaya katulad ng mga articles na naisulat ko na dito at nagpapaala-ala sa inyo, matulog kayo ng kumpleto gabi-gabi para iwas sungit.😅 Merong nagpapasurvey para malaman ang sagot diyan. Meron namang nagreresearch kung anu nga ang ikinayayamot ng mga customer kaya ginagawan na kaagad nila ng paraan para di na iyon mangyari. Halimbawa ay mabagal na serbisyo, madalas mali ang sukli, atbp. Kaya malalaman mo ang ikinakayamot ng iba sa ibang tindahan, pero sa tindahan mo ay hindi.😕 Na ayaw nila sa ganuong tindahan dahil masusungit ang mga katulong, mababagal kumilos, atbp. Kaya pwedeng may pakawala ka para mangalap ng impormasyon tungkol sa sinasabi ng iba tungkol sa tindahan mo, mga taong walang kaugnayan sa iyo para di iwasang pagsabihan ng tungkol sa tindahan mo. Kanya-kanya na lang sigurong diskarte diyan. From 1-5 siguro 1 ay best, 5 ay worst para may point of comparison lang.
Comments
Post a Comment