Personal vs. Business Expenses
Sinabi natin na para maging madali ang buhay natin ay pinagsama-sama na natin ang expenses. Pero pwede nyong namang ihiwalay ang personal at business expenses.
Kalimitan ng example ko sa personal expenses ay pamalengke, lpg, palaba, drinking water.
Pero isinama ko sa business expenses ko ang kuryente at tubig dahil malakas ang konsumo ng ref na gamit sa pagbenta ng malamig na softdrinks. Medyo mahirap nga ihiwalay. Pero halimbawa ay may inuupahan ako na pwesto bukod sa bahay ko, alangan namang wala akong tubig duon sa pwesto ko. E kung mapatae na lang ako, e di walang pangflush. Bukod sa ang water district namin ay categorized kami bilang commercial establishment kaya isinama ko rin sa business ang water district expenses ko. Ayaw mo nang ihiwalay?😅Kaya nga pinagsama ko na yan para madali lang ang buhay natin. So sa business expenses nandyan ang tubig, ilaw, bookkeeper fee, taxes, permit.
Ang personal expenses ko ay PhP20,000 at business expenses PhP20,000 from January to March. E ano ngayon? Ibig sabihin nyan parang sweldo mo na yang personal expenses kahit wala talaga tayong sweldo from the store. Pero eto malupet, binayaran din ni business mo ang kuryente at tubig mo na pwedeng parang sweldo mo rin nagastos na nga laang. Kaya ihihiwalay mo pa ba? Wag na lang.😂
Pero pwede mo nga ianalyze kung anu-ano yang mga expenses mo. Halimbawa e nagmumuni-muni ka na na isara ang tindahan. At nag-iisip ka na magtrabaho na lang sa sweldo na PhP10,000 per month. Ikumpara natin ngayon. Meron kang sweldo na PhP20,000 pwede ring me PhP10,000 ka na gastos sa kuryente at tubig na pwedeng parang sweldo mo na rin. E di halos parehas din lang sa tindahan ang 3 months mong PhP30,000 na sweldo.
Comments
Post a Comment