Profit Margin vs. Mark Up
Paumanhing muli! Walang katapusang paumanhin.๐๐ฉ
Tinawag kong mark up ang profit margin! Maaaring tama naman ang multiplier natin upang makuha ang net income sa nonPOS system natin. So, walang dapat ipag-alala. Pero mali ang aking tawag.
Sa puhunang PhP16.25 ng Coke Mismo na binebenta ko sa halagang PhP20 malamig, ang tubo ko ay PhP3.75.
Profit Margin = PhP3.75 / PhP20 benta = .1875 = 18.75%
Mark Up = PhP3.75 / PhP16.25 puhunan = .2307 = 23.07%
Kumbaga e, sa suggested mark up natin na 12%, e hindi 12% ang tubo! (10.71% lang.) Naman! Kaya nga ang mark up na 23.07% sa itaas e me kita lang pala talaga na 18.75% ng sales.
Sabi ni AI depende lang naman kung anu ang reference mo. Pareho lang silang dalawa. "They are just two different ways of expressing the profit relative to costs vs. revenue." -Claude 3 Sonnet, 8 Mar. 2024. Pero dapat careful tayo kung saan ididivide, sa benta ba o sa puhunan.
Comments
Post a Comment