Bakit Magsa Sari-saring Accounting Pa?

 Mahirap kay Juan Dela Cruz ang accounting ng Sari-sari Store. Pero ang tanong ay kumikita ba ang tindahan. Paano mo malalaman?

Ang malalaking grocery store na sumasalang sa auditing ng BIR ay may standard accounting practices dahil kaya nilang bumayad ng accountant. Ang entry-level accountant ay may sweldo na PhP20,000. Mag accountant na lang tayo kesa sa magtindahan.πŸ˜€

Bakit wala akong rent expenses at salary expenses sa Sari-sari Store Accounting ko? (nasa CashFlow Sheet) Kalimitan ng mga tindahan ay nasa sariling bahay lamang at walang katulong na binabayaran. Lugi nga ang mga tindahan kung uupa pa at magkakatulong. Yan ang playing field na dapat tapatan ng mga umuupa at nagkakatulong.

Kung ang standard accounting ay ihinihiwalay ang mga maraming bagay, tayo ay sama-sama na, o sari-saring accounting na lang.πŸ˜… Ang expenses na COGS(cost of goods sold) pag binawas sa sales income ay gross income ang tawag. Ang iba pang mga expenses like office supplies and taxes kapag binawas pa ay ang tawag na ay net income. Ang upa ng tindahan o suweldo ng tindera ay kabilang sa COGS. Para madali ay sama-sama na lang. Kaya ang salitang Gross Income na meron sa CashFlow natin ay di kumpletong nagpapahayag ng pagiging Gross Income dahil sama-sama na sa iisang column ang lahat ng klase ng expenses.

                                            Standard Accounting
                    Sales Income - COGS rent, electricity, salary = Gross Income
                    Gross Income - Other Expenses office supplies, taxes = Net Income

                                            Sari-saring Accounting
                    Sales Income(Benta) - COGS, Other Expenses = Net Income(Kitang Malinis)
 

Ang Bureau of Internal Revenue ay nakabase sa revenue o sales income(benta), hindi sa gross income(tubo) o net income(kitang malinis). Kung mas mababa daw sa 3 million ang benta o sales income for one year, you are exempted from paying income tax (other taxes you still have to pay). Ang salitang revenue sa BIR ay hindi tubo o kita sa Tagalog kundi benta. BIR doesn't care if you're earning or not as long as you declare your correct sales for just and equal taxation. Di naman sa wala silang malasakit pero yun talaga ang basehan nila. Mas mababait na nga ngayon ang mga BIR. Ikaw ang may responsibilidad sa sarili mo upang sagutin ang tanong kung kumikita nga ang tindahan mo.

Take note po na di ako accountant at wala ring alam sa BIR laws. Please consult the authorities.

Mapa COGS or other expenses ay pinagsama-sama na natin para mabawas sa tubo upang makita natin kung may kitang malinaw nga ba o wala at nang masagot natin ang tanong, "Kumikita nga ba talaga ang tindahan?" Kaya para sa mga matagal ko nang followers, ang nauna nating sari-sari store inventory ay kailangang lakipan ng mas maayos na sari-sari store accounting. 

Iyan ay masasagot kung magtitiyaga kang mag entry sa CashFlow Sheet(accounting) at Main Sheet(inventory) ng Sari-sari Store Inventory o magsulat sa notebook ng mga katulad na halimbawa. 

Kapag di ka gumamit ng spreadsheet ay manu-mano mo itong kukuwentahin o magcalculator ng isang taong sulat sa notebook. Pero ayaw kong mamaga ang daliri mo habang nag-iiyak ka pag ginawa mo iyanπŸ˜‡ kaya mainam na bumili ng second hand na computer at mag install ng Microsoft Excel. Desktop na lang, maaari kang makakuha ng PhP1,000 kumpleto na me monitor, cpu, at keyboard/mouse. Mas matagal kasi ang buhay ng desktop. Kung maliit ang lugar mo, me mga laptop na de saksak na lang, second hand din, at mura lang PhP4,000. 

Me mga spreadsheet naman na apps sa android phone at pwede mong paganahin ang Microsoft Excel. Pero hindi gagana ang macros na ginawa ko sa Microsoft Excel app ng android phone. Medyo ita-try ko pa lang gawing pang android ang macro enabled spreadsheet kung kaya na ng mga AI nga na iconvert iyon.

Mantakin nyong college grad ako pero inabot ako ng dekada bago ko maisaayos ang ibinabahagi ko na sa inyo kahit na kulang-kulang pa rin. Hindi na ninyo kailangang pagdaanan pa iyan. Gamitin nyo na lang.

Mantakin nyong tanungin kayo ng nanay ng nililigawan nyo. "Magkano ba ang kinikita mo?" At least nakatulong ako sa inyo pag nangyari yan. Kasi ako noon e kamot-ulo na lang at parang lumiit ang tingin sa sarili.

Mahirap ang accounting, pero iyan na siguro ang maitutulong ko para dumali ang sagot sa tanong kung kumikita nga ang sari-sari store mo. Kung wala kang pambili ng POS, ayan nonPOS style ang tawag natin.

Comments

Popular posts from this blog

Sari-sari Store Inventory Excel

Plastik

Sirang Pera