Posts

Bakit Walang Nangyayari sa Tindahan?

 Eto na siguro ang pinakamadaling sagot. Noong 2013 ay sapat ang average na 3,000 na benta upang makakain kami at mabayaran ang mga dapat bayaran at may tubo pa ang tindahan. Magkano ngayong 2024 ang 3,000? Hahayaan kong kayo ang magresearch at tanungin ang AI kung magkano nga iyan. Pwede ring alamin ninyo ang mathematics niyan. Pero kung medyo ayaw ninyong alamin e ito ang prompt na itatanong nyo sa AI: I'm a sari-sari store owner. In 2013 my sales of 3,000 average per day is already high and is enough for the sustenance of the family. How much is it today in 2024 given the Philippine inflation throughout the years? Eto ang sagot ni Copilot: 4,350 So kung bumebenta ka ng 3,300 araw-araw e mataas na sa iyo iyan dati at sapat na, pero ngayon ay hindi na po. Baguhin po natin ang ating kaisipan na kapag me sales tayo na kahit 3,300 pa araw-araw e hindi pa rin sapat ngayong 2024. Dahil ang katumbas niyan ngayong 2024 ay 4,350 dapat na sales. Isa lang ang ibig sabihin ng 3,300 na sales

New Metric

Image
 Dahil kay AI gusto kong mastandardized ang metric para masukat kada taon ang performance ng tindahan. At sa Info Sheet ng Sari-sari Store Inventory v.3.1 ay idinagdag natin ang mga sumusunod: Upang kada taon ay masukat natin ng mas maayos ang performance ng ating Sari-sari Store. Paano ang customer satisfaction? Marami kasing ibig sabihin iyan. Simpleng imbestigasyon lang ba. Pero ang mga customer ko na namimili rin sa akin ay nagrereport na ayaw nila duon sa isang tindahan dahil nagagalit daw kapag di isinasauli ang takip ng garapon.😆 Kaya katulad ng mga articles na naisulat ko na dito at nagpapaala-ala sa inyo, matulog kayo ng kumpleto gabi-gabi para iwas sungit.😅 Merong nagpapasurvey para malaman ang sagot diyan. Meron namang nagreresearch kung anu nga ang ikinayayamot ng mga customer kaya ginagawan na kaagad nila ng paraan para di na iyon mangyari. Halimbawa ay mabagal na serbisyo, madalas mali ang sukli, atbp. Kaya malalaman mo ang ikinakayamot ng iba sa ibang tindahan, pero s

Personal vs. Business Expenses

Image
 Sinabi natin na para maging madali ang buhay natin ay pinagsama-sama na natin ang expenses. Pero pwede nyong namang ihiwalay ang personal at business expenses. Kalimitan ng example ko sa personal expenses ay pamalengke, lpg, palaba, drinking water. Pero isinama ko sa business expenses ko ang kuryente at tubig dahil malakas ang konsumo ng ref na gamit sa pagbenta ng malamig na softdrinks. Medyo mahirap nga ihiwalay. Pero halimbawa ay may inuupahan ako na pwesto bukod sa bahay ko, alangan namang wala akong tubig duon sa pwesto ko. E kung mapatae na lang ako, e di walang pangflush. Bukod sa ang water district namin ay categorized kami bilang commercial establishment kaya isinama ko rin sa business ang water district expenses ko. Ayaw mo nang ihiwalay?😅Kaya nga pinagsama ko na yan para madali lang ang buhay natin. So sa business expenses nandyan ang tubig, ilaw, bookkeeper fee, taxes, permit. Ang personal expenses ko ay PhP20,000 at business expenses PhP20,000 from January to March. E an

Bakit Magsa Sari-saring Accounting Pa?

  Mahirap kay Juan Dela Cruz ang accounting ng Sari-sari Store. Pero ang tanong ay kumikita ba ang tindahan. Paano mo malalaman? Ang malalaking grocery store na sumasalang sa auditing ng BIR ay may standard accounting practices dahil kaya nilang bumayad ng accountant. Ang entry-level accountant ay may sweldo na PhP20,000. Mag accountant na lang tayo kesa sa magtindahan.😀 Bakit wala akong rent expenses at salary expenses sa Sari-sari Store Accounting ko? (nasa CashFlow Sheet) Kalimitan ng mga tindahan ay nasa sariling bahay lamang at walang katulong na binabayaran. Lugi nga ang mga tindahan kung uupa pa at magkakatulong. Yan ang playing field na dapat tapatan ng mga umuupa at nagkakatulong. Kung ang standard accounting ay ihinihiwalay ang mga maraming bagay, tayo ay sama-sama na, o sari-saring accounting na lang.😅 Ang expenses na COGS(cost of goods sold) pag binawas sa sales income ay gross income ang tawag. Ang iba pang mga expenses like office supplies and taxes kapag binawas pa ay

Lipreading, Sagot Sa Maingay na Lugar ng Tindahan

 Opo, kalimitan ng mga tindahan ay malapit sa kalsadang maraming mga sasakyan. At di ko na maintindihan kung ano ang gagawin ko. Pero simpleng pagbasa sa buka ng bibig ang solusyon. Ito po ay ginagamit ng mga walang pandinig at ng mga mahina ang pandinig. Pero sa kaso po natin na nakaririnig subalit di lamang magkarinigan dahil sa mas malakas ang tunog ng traysikel, e mainam din ito. Mas mainam din ito sa atin na nakaririnig pa ng konti dahil mas mauunawaan natin ang buka ng bibig ng ating mga suki na mahinang magsalita. Kailangan lamang ay sa bibig tayo titingin, di lamang sa naririnig natin, upang matulungan tayo na mabasa sa buka ng bibig nila ang kanilang sinasabi. Joke time. Pabili ho Mang Kadyo ng bitsin . Wag mo akong sigawan hindi ako bingi.  Sori po. Ano ba ang pipsi mo, malamig o hindi? Ay naku!(pabulong) Zisto na lamang po.(pasigaw) Sinabi ng wag sisigaw ay! Sori po. C2 na ba bibilhin mo, malamig ba o hindi? Opo napagkakamalan na ako na bingi pero di naman. Ito ay dahil m

Profit Margin vs. Mark Up

 Paumanhing muli! Walang katapusang paumanhin.😂😩 Tinawag kong mark up ang profit margin! Maaaring tama naman ang multiplier natin upang makuha ang net income sa nonPOS system natin. So, walang dapat ipag-alala. Pero mali ang aking tawag. Sa puhunang PhP16.25 ng Coke Mismo na binebenta ko sa halagang PhP20 malamig, ang tubo ko ay PhP3.75. Profit Margin = PhP3.75 / PhP20 benta = .1875 = 18.75% Mark Up = PhP3.75 / PhP16.25 puhunan = .2307 = 23.07% Kumbaga e, sa suggested mark up natin na 12%, e hindi 12% ang tubo! (10.71% lang.) Naman! Kaya nga ang mark up na 23.07% sa itaas e me kita lang pala talaga na 18.75% ng sales. Sabi ni AI depende lang naman kung anu ang reference mo. Pareho lang silang dalawa. "They are just two different ways of expressing the profit relative to costs vs. revenue." -Claude 3 Sonnet, 8 Mar. 2024. Pero dapat careful tayo kung saan ididivide, sa benta ba o sa puhunan.

Sari-sari Store Accounting

Image
 Di ako papasa sa audit kahit na me high school subject ako na basic at advanced accounting. So itama natin ang mali. Sabi ni AI kailangang nakalista pa rin ang sales. Dahil wala tayong POS kailangang ilista ang lahat ng benta. Matrabaho pero iyan ang proper accounting. Dapat din daw ay nakalista ang lahat ng kinukuha nating produkto sa tindahan para sa sariling konsumo. Pwede itong ilista bilang expenses, sa puhunan ang compute. O ayan kumpleto na ang accounting. Pwede nang pumasa sa audit. Pero ang nasa baba ay walang lista ng sales at personal consumption. Bahala na kayong magdagdag. Ang gusto ko lang ay maitama ang nauna ko nang post tungkol sa Store Accounting na medyo kulang. Ang nasa baba ay otomatikong magpapakita ng net income.  Magkarugtong ang dalawang table na ito at ang nasa baba. Maaacess nyo sa link sa ibaba. Pero pansinin nyo na inihiwalay ko ang added capital na hindi part ng net income. Kaya kahit nagdagdag ka pa ng additional capital ay negative pa rin ang net income